Friday, November 12, 2010

Nagpapahingang Puso

Paano ba magpahinga ang puso matapos ng pamamaalam?Hindi madali pero kailangan, napagod din kasi.

Hindi naman nakakatulong ang alak... Medyo ang sleeping pills... Pero paggising mo nandyan pa rin. Masakit. Haaaay

Yosi? Naku kulang isang pack para kumalma at makapag-isip. Baka mauna pa bumigay ang baga bago puso.

Videoke? Paos ka na, umiyak ka na sa kanta...Masakit pa rin di ba? Nabawasan pero slight lang...

Panibagong Lalaki? Pinakamagandang solusyon para makalimot...

Pero, ganun ba kadali yun? Di ba hindi?

Mahirap na sumugal sa pag-ibig, dahil lahat tayo tumataya ng may puso. At pag nasaktan, di makapaniwala na nagmahal ng tuso.

Ang puso magpahinga man pero hindi nakakalimot. Mabuti pang damdamin ang sakit ng pagpaparaya at paglimot dahil kung gaano kasakit, ganun kalalim ang pagmamahal kahit sa loob ng Nagpapahingang Puso.

Puso yan, patuloy na magmamahal... Kahit kailan...

No comments:

Post a Comment